
Kanina ko lang naisipan magsulat nang blog .Actually tinatamad ako kasi pinakaayaw ko ang mag sign -in ek ek tapos english pa ,buti naman nung chineck ko yung GLOSSA meron palang wikang Tagalog. Well xemps I love Philippines kasi..
Anyway ,sisimulan ko muna sa pagpapakilala kung sino ba ako..
Call me Alia.and Mula ngayon magiging part na ko ng buhay ng sino mang walang magawa at napakamalas na makakabuklat ng blog nito.
Baka mawarat ko nang di sinasadya ang napakatahimik nyong buhay.
Badtrip kasi minsan wala akong mapagkuwentuhan nung mga bagay bagya na naiisip ko ,kaya minsan kusa na lang akong tumatawa mag-isa.haha pero di pa naman ako baliw..
Yun lang sa ngayon,mejo may tama lang kasi ako.
Pagod ako sa maghapon ,pag-uwi ko gutom-na -gutom ako ,sumigaw ako agad ,
"ano pong ulam?" sagot nang pinakamamahal kong kapatid na ,"pritong sabaw ate."
Napaisip ako ,ano yon?
May ganon ba?
Sumagot naman siya ,"meron ate ,punta ka sa mesa.may dinosaur pa ." Dinosaur ang tawag namin sa paboritong putahe ni nanay pag wlaa kaming pera..Yun yung mga pagkalaki-laking buto buto ng karne ewan ko kung baboy o baka ,basta puro buto..Pasalamat ka kung may laman kang makuha.After kumain ,at may nakita kaming tinga sa ngipin ng bawat isa.
Presto ,may laman kang nakuha.
Presto ,may laman kang nakuha.
At kahalo nga ng Dinosaur ay ang piniritong sabaw.
Nagprito muna ng itlog ,tinanggal ang itlog nung luto na at saka sinabawan.
So kaya siya naging ulam,Akala pala ng kapatid ko yun na mismo yung ulam namin,
kasyongak0-syongak si pritong sabaw ,isinabaw sa kanin...Di niya alam kaya yun may sabaw eh ready na to make ligpit later..
Yan yung alamat nung piniritong sabaw so be careful next time.
Yung nasa picture hindi yan ang ulam namin pero trip ko lang tingnan habang kumakain.